Monday, 24 October 2022

Koleksyon Ng Mga Pagsusuri Ng Mga Tula ni Jose Corazon de Jesus

 Jose Corazon De Jesus 

    Noong Nobyembre 22, 1896 hanggang Mayo 26, 1932 ay kinilala siya bilang si Hesung Batute. Siya ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tulang Tagalog. Siya rin ay tinawag na “Pepito” sa kanyang kapuluan.

    Siya ay isinilang sa Sta. Cruz Manila noong Nobyembre 22, 1986. Ang kanyang ama ay si Vicente de Jesus. Bininyagan siyang Jose Cecelio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecelio ng Corazon. Lumaki siya sa bayan ng kanyang ama sa Sta. Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasiarang Liceo de Manila at nagtapos noong 1915. 

    Ang unang tula na kanyang naisulat at nailimbag ay ang “Pangungulila” na lumabas noong 1931. Ang kolum ay tinawag na Buhay cavite na isinulat niya  sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sumulat din siya ng halos 800 kulom na pinamagatang “Ang Lagot ng Bagting” at sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparo, Pepito Matimtim, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily.

    May tatlong pares ng mga makata nasumali sa unang balagtasan na ginanap noong Abril 6, 1924 sa Instituto de Mujeres na itinatag ni Sevilla. Nagtagumpay ang balagtassan at nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.

    Sumikat silang dalawa sa buong Pilipinas noong inanyayahan silang umarte sa pelikulang Oriental Blood kung saan kasama nila ang tanyag na aktres na si Atang del Rama. Kasama rin sa naging kast ng pelikula ang anak ni Huseng Batute na si Juliano de Jesus. 


Koleksyon Ng Mga Pagsusuri Ng Mga Tula ni Jose Corazon de Jesus

  Jose Corazon De Jesus       Noong Nobyembre 22, 1896 hanggang Mayo 26, 1932 ay kinilala siya bilang si Hesung Batute. Siya ay isang makata...