Jose Corazon De Jesus
Noong Nobyembre 22, 1896 hanggang Mayo 26, 1932 ay kinilala siya bilang si Hesung Batute. Siya ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tulang Tagalog. Siya rin ay tinawag na “Pepito” sa kanyang kapuluan.
Siya ay isinilang sa Sta. Cruz Manila noong Nobyembre 22, 1986. Ang
kanyang ama ay si Vicente de Jesus. Bininyagan siyang Jose Cecelio de Jesus
ngunit pinalitan niya ang Cecelio ng Corazon. Lumaki siya sa bayan ng kanyang
ama sa Sta. Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasiarang Liceo de Manila at nagtapos
noong 1915.
Ang unang tula na kanyang naisulat at nailimbag ay ang “Pangungulila” na
lumabas noong 1931. Ang kolum ay tinawag na Buhay cavite na isinulat niya
sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sumulat din siya ng halos 800 kulom na
pinamagatang “Ang Lagot ng Bagting” at sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis,
Paruparo, Pepito Matimtim, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado
Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang at Tubig Lily.
May tatlong pares ng mga makata nasumali sa unang balagtasan na ginanap
noong Abril 6, 1924 sa Instituto de Mujeres na itinatag ni Sevilla. Nagtagumpay
ang balagtassan at nakagiliwan ng mga manonood ang pares nina Jose Corazon de
Jesus at Florentino Collantes.
Sumikat silang dalawa sa buong Pilipinas noong inanyayahan silang umarte sa pelikulang Oriental Blood kung saan kasama nila ang tanyag na aktres na si Atang del Rama. Kasama rin sa naging kast ng pelikula ang anak ni Huseng Batute na si Juliano de Jesus.
Unang Tula:
Kalupi ng Puso
(Jose Corazon de Jesus)
Talaan ng aking mga dinaramdam
Kasangguning lihim na nais tandaan
Bawat dahon niya ay kinalalagyan
Ng isang gunitang pagkamahal-mahal.
Kaluping maliit sa tapat na puso
Ang bawat talata’y puno ng pagsuyo
Ang takip ay bughaw, dito nakatago
Ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkakilala
At tila Mayo rin nang magkalayo na
Sakaluping ito nababasa-basa
Ang lahat ng asting mga alaala.
Nakatal rito ang buwan at araw
Ng ating ligaya at kapighatian
Isang dapithapo’y nagugunam-gunam
Sa mga mato ko ang luha’y umapaw
Anu pa’t kung ako’y tila nalulungkot
Binabasa-basa ang nagdaang lugod
Ang alaala koy ditto nagagamot
Sa munting kaluping puno ng himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapit
Dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis
Kung binubuksan ka’y parang lumalapit
Ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong daon ngayon ay kupas na
Ang lumang pagsuyo’y naaalala
Sa kaluping bughaw, kung kita’y mabasa
Masayang malungkot na hinahagkan ka.
May ilang bulaklak at dahong natuyo
Na sa iyo’y lihim na nangakatago
Tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo
Tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo.
Source: KALUPI NG PUSO (Local Classical Poem) (junmarkvillamor12beneficent.blogspot.com)
PAKSA NG TULA
Ang tula ay pumapaksa sa damdamin ng pangunahing tauhan. Inilalarawan ng may akda ang itsura ng kanyang kalupi o diary na pinaglalagyanng mga alaala ng pagmamahal niya sa kanyang minamahal.
MENSAHE NG TULA
1. Paggamit at kahalagahan ng kalupi/dayari
![]() |
| A. |
Sa mga taludtud na ito, inilalarawan ang kalupi o dairy. Inilalarawan din na ang isang kalupi o dairy ay pwedeng gamitin upang masulatan ng kahit anong kaganapan sa ating buhay maging masaya man, malungot at iba pa. Pwede din natin itong maging katuwang at sandigan sa ano mang pagkakataon.
![]() |
| B. |
![]() |
| C. |
2. Kalakip ng pag-ibig ay sakit
![]() |
| A. |
“Kapag nagmahal ay maaaring masaktan dahil wala naming nagmamahal na hindi nasasaktan”
- by Unknown
Pangalawang Tula:
Sa Pamilihan Ng Puso
(Jose Corazon de Jesus)
Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.
Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.
Huwag kang iibig sa dangal ng irog
kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.
Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya...
Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.
Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.
Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.
Source: https://donnalynbador.blogspot.com/2014/03/
PAKSA NG TULA
Inilarawan sa tulang ito kung
ano-ano ang mga hindi dapat maging batayanpagdating sa pag-ibig at kung ano-ano
ang mga magiging bunga nito kapagumibig ka sa ganoong mga batayan. Marapat na
ang bawat mangingibig ay huwagmasilaw sa pera, sa ganda, sa dangal at nang
dahil sa pagnanasa. Bagkus dahiltunay na mahal mo ang taong iyon. At kung
masaktan man, laging isipin nakalakip ng pag-ibig at sakit.
MENSAHE NG TULA
![]() |
| A. |
Sa una at ikalawang taludtud ng tula ay ipinahahayag nito ang mga pisikal na aspeto na kalimitan una nating nanapansin sa araw-araw. Ang kauna-unahang binigyang diin ay ng huwag umibig ng dahil sa pilak o huwag kang iibig na ang kayamanan lamang ang iyong habol dahil darating din ang panahon na ito’y mawawala at sasabay sa ihip ng hangin. Ang isa naman ay ang iibig ka ng dahil lang sa kagandahan, dahil ang kagandahan ay hindi pang matagalan o pang habang-buhay. Ang kagandahan ay kukupas din pagdating ng panahon kaya hindi dapat itoo gawing basehan kunng ikaw’y papasok sa larangan ng pag-ibig.
![]() |
| B. |
Ang pangatlo at ikaapa’t na saknong ay magka-ugnay patungkol sa pag-ibig na nagsisilbing aliwan o isang katuwaan lamang. Kapag ikaw ay pumasok sa isang relasyon dapat mong isa alang-alang ang damdamin o nararamdaman ng bawat isa. At kung ikaw’y iibig doon ka sa taong mahal mo at mahal ka upang lumigaya.
![]() |
| C. |
At ang pang ika-lima at ika-anim
na saknong ang patungkol naman sa mga kabigo’an na naranasang kasawian sa
pag-ibig. Hindi mo dapat isipin na sa lahat ng panahon ikaw’y masaktan.
Mayroong pag-ibig ngunit sa di tamang panahon at tamang panahon ngunit di
tamang pag-ibig. Mararanasan natin ang masaktan, madapa at ito ang magiging
lakas natin upang bumangon at maipahayag natin na kaya natin.
Pangatlong Tula:
Ang Pagbabalik
Jose Corazon de Jesus
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”
At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”
Source: https://philnews.ph/2019/10/15/ang-pagbabalik-ang-tula-na-isinulat-ni-jose-corazon-de-jesus/
PAKSA NG TULA
Pumapaksa sa kalungkutang nadarama ng pangunahing tauhan dahil sa pagkakalayo nila ng kanyang asawa upang siya ay makapaghanapbuhay at sa kaniyang pagbalik nadatnan niyang wala na Ang kaniyang asawa.
MENSAHE NG TULA
Isa sa mga mensahe sa tula ay ang pag-alis ng mga mahal natin sa buhay upang maghanap ng trabaho at para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya.
Nakabalik ka nga sa iyong pamilya ngunit bangkay na.
IKA-APAT NA TULA:
Ang Pamana
(Jose Corazon de Jesus)
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
Sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
At huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”
Source: http://jmsinoy.blogspot.com/2016/12/ang-pamana-ni-jose-corazon-de-jesus.html?m=1
PAKSA NG TULA
Pumapaksa ang tula sa kalungkotang nararamdaman ng may akda dahil ang kaniyang ina ay pinapamanahan na silang magkakabatid na para bang ito ay mamamatay na.
MENSAHE NG TULA
Mahalin mo ng lubos ang iyong ina dahil di mo alam at walang sino man ang nakakaalam kung kailan ito lilisan o kukunin ng panginoon.
IKA-LIMANG TULA:
Ulap
(Jose Corazon de Jesus)
Dati akong panyo ng mahal na birhen
Na isinalalay sa pakpak ng anghel;
Maputi, malinis, maganda, maningning,
Ang lahat sa langit, nainggit sa akin.
At ako’y ginamit sa kung saan-saan,
Pamunas ng noo ni Bathalang mahal;
Kung gabi’y kulambo’t kung araw’y kanlungan,
Lalong pampaganda sa bukang-liwayway.
Kung umaga ako’y ginto sa liwanag,
Karong sinasakyan ng Araw sa sinag;
At kung gabi namang tahimik ang lahat,
Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak.
Dati akong puti, busilak ang ganda,
Sa Dios pamunas sa tuwi-tuwi na;
Sa Birhen ay panyong pamahid sa dusa,
At sa mga tala ay kulambo nila.
Dahilan sa ganyang dami kong gawain,
Ako ay dumumi, lumungkot, umitim,
At ang katawan kong ibig kong basain,
Kapag lumitaw na, ulan ay darating.
At ngayon sa aki’y sawa na ang lahat,
Di na nagunita ang lahat kong hirap,
Dios ang may sabi: Ang aking pamunas
Nang marumihan na’y tinawag kong ulap.
Source: https://www.facebook.com/281880338626134/posts/pfbid02q81YTa8cC5hE1ZLtiqJ5ZVxWC1FEq9F9e87ySKu1fFofpsgTe7Cyjqz2A9PG3Q5kl/
PAKSA NG TULA :
Tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang tulang ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
MENSAHE NG TULA:
Ang tulang pinamagatang “Ulap” ay nagbibigay sa atin ng aral na “pahalagahan ang ating kalikasan sa naidulot nitong kabutihan sa atin.” Ito ay isang metapora tungkol sa nangyayari sa ating kalikasan.

















No comments:
Post a Comment